A downloadable RPG

Buy Now$6.00 USD or more

Ang MAHARLIKA ay isang agham-pantasya o Science-Fantasy na RPG na kung saan gaganap kayo bilang mga dakilang Maharlika, mga piloto ng mga kamangha-manghang MEKA (Mekanisadong Sandata). Kayo ay namumuhay sa ARKIPELAGO,ang tagpuan ng Maharlika, isang tagpuan na nakababad sa Pilipinong mga tema, mitolohiya, kultura, at kasaysayan. Ang Arkipelago ay sobrang lapit na sa isang panahon ng kasiyahan, pero ngayon ay nasa ilalim ng Panahon ng Karimlan dahil sa mga panibagong kalaban at dating mga galit sa isa't isa. Bilang mga Maharlika, kayo ay magpoprotekta ng mga lungsod, susugod laban sa mga Dayuhang Nilalang, at maglalayag sa marahas na kalangitan ng Arkipelago.

Ang sistema nito ay nakabahagi sa dalawa: ang sistemang pang-Maharlika (na kung saan mas-narratibo ang paglalaro rito at nakatutok sa mga problema na pantao) para sa mga tao at piloto, at sistemang pang-Meka (ang bahaging taktikal na labanan at bahaging paggamit ng mga mas-malaki-sa-buhay na mga Mekanisadong Sandata upang protektahin ang kanilang minamahal). Sa loob ng librong ito makakahanap kayo ng humigit sa 90 na mga AGIMAT, o mga modyul, upang ma-i-customize ang iyong Meka, at makakahanap rin kayo ng isang sistemang labanan na hindi masyado mahirap turuin, taktikal, at masaya.

Ang MAHARLIKA ay in-inspire ng mga iba't ibang Meka Anime at Robot na palabas, tulad ng Pacific Rim, Titanfall, Transformers, Godzilla, at Gundam. Na-inspire ang ARKIPELAGO ng Neuromancer, Akira, Star Wars, Ghost in the Shell, Bas-Lag Trilogy, Book of the New Sun, at Zone of the Enders. Ang sistemang labanan ay na-inspire ng Final Fantasy Tactics, Front Mission, LANCER, at Star Wars SAGA.

"Madilim na ang Dagat-Tala. Naglalaho na ang mga Diwata. Kaibigan, mapanganib na maglayag sa kalangitan. Pero huwag kang mag-alala: hindi ka nag-iisa."

StatusReleased
CategoryPhysical game
Rating
Rated 5.0 out of 5 stars
(1 total ratings)
Authormakapatag
GenreRole Playing
Tagsfilipino, Tabletop, tagalog

Purchase

Buy Now$6.00 USD or more

In order to download this RPG you must purchase it at or above the minimum price of $6 USD. You will get access to the following files:

[FILIPINO] MAHARLIKA RPG Core Rulebook - Nirebiso [v1.2].pdf 8 MB
Karakter Sheet.pdf 107 kB

Development log